Ganito Pala ang Kilig
he he...
akala ko'y isa ka lamang
kathang isip
na binuo ng mga makatang sinauna
o ng mga taong
mabababaw.
kung ganun,
mababaw rin pala ako.
he he..
di ko naisip na
maari ring ako'y maging biktima
akala ko,
ang meron ako'y pusong bato
na kahit si brad pitt
ay di makakayang tiktikin
ni mapapipintig ng mga ngiting piolo.
he he...
sabi nila bading daw si piolo
kahit na, gwapo pa rin siya
saka natalo naman
ang mga titik ni lolit solis
kaya pwede pa ringpagpantasyahan ang ngiting piolo,
pero ni minsan di ko naisip yun.
he he...
akala ko hanggang edad kim chiu
lang ang pwedeng tamaan,
ang pwedeng lumundag-lundag
ang puso na para bang
sasabog, pero di naman
na para bang mabigat
pero di naman.
he he...
ganito pala yun,
mahirap ipaliwanag
pero masaya, kahit walang nakakatawa
ngingiti-ngiti kahit walang kausap
parang baliw pero hinde naman
parang nanlalambot
pero di naman.
he he...
ang gulo, pero masaya
sana tumagal, sana nakatokan na nga
ang puso ko na dati
di natitinag, independiente
akala ko'y tama lang
kumpleto na, di kailangan ang kilig
di pala.
he he...
masaya pala
kahit mahirap ipaliwanag,
kahit bukas maaaring mawala
at mapalitan ng paghikbi,
pero okay lang
basta naranasan ko minsan
ganito pala ang kilig.
he he...