Payong na Pula
Hindi mawala sa isipan ko Iyong payong na pula Doon tayong dalawa ay sumukob Sa ilalim ng ulang panaginip Kulay nito'y kasing tingkad Ng dugong dumadaloy sa katawang ito At nagbibigay buhay sa mga labing ito Na sa halik mo'y naghintay Parang palad itong Kumuyom sa ating dalawa Tayong dalawa mag-kasama Ang lahat ay pawang anino lamang Sa lilim nito tayo'y nagtago Mga katawa'y nagkadampian Lamig ay nawala pagka't tayo'y nagkayakap Ito'y panaginip, alam ko Bagama't mga labi'y di nagtapat Ramdam kong tayo'y naging isa Sa ilalim ng pulang anino nito Ako'y naniwala, puso'y pilit binuksan Sa bawat patak ng ulan ako'y nangarap Malahibla ng panaginip na sa aki'y bumalot Pinilit kong gawing buo, konkreto Sa singnipis ng sinulid ako'y kumapit Kagaya ng ambong dumadaan sa tag-araw Anino ng lunggating ito'y mabilis na lumipas Mga sinulid na hinabi't kinapitan ay napigtal At ang payong ay tumiklop, k...