Kung Ika'y Tatalikod
Naroon ako sa iyong pagsilang Nang ang unang sikat ng araw Sa pisngi mo'y humalik Ang mga bisig na ito Ang sa iyo'y unang yumakap Nang una mong naramdaman Lamig ng hanging umihip Naroon ako nang mga paa'y Unang yumapak, lumakad, tumakbo Napagmasdan ko ang pagbukas Ng iyong mga matang malilinaw at mabibilog Bagama't hindi lahat ay iyong makita Marahil sapagka't di pa ganap Iyong kamalayan Naroon ako nang unang isinigaw Itong damdaming kinimkim Saksi ako sa pagsibol ng pagbabago Sa iyong puso at sa iyong isip Naramdaman ko ang iyong mga paghihirap Ang iyong mga kabiguan At ang iyong pagsuko Sana'y naramdaman mong ang pakikibaka Ay hindi lamang sa iyo Na ang pagnanais ng pagbabago Ay ninanais ko rin At ang unti-unting pagtubo Ng kawalan ng pag-asa Ay dumudurog sa aking puso Narito lamang ako Kung ika'y magmamasid Nang higit at lampas Sa iyong mga sariling panganga-ilangan Kung matututo kang kilalanin At pagyamanin Ang mga b...