Parang Bula

Para kang magnanakaw
Bigla na lang nanalakay
Isang umagang tahimik

Lakas mo'y kumabog
Nilibot mga kabahayan
Pati na rin mga kabukiran

Hanging ibinuga'y humagupit
Umikot at sumipol
Na wari ba'y nanunukso

Pansinin ninyo ako
Ito ba ang ninais mong sabihin
O baka naman tumabi kayo't dadaan ako

Kung sana'y nagpasabi ka
Kami'y tahimik na gigilid
At yuyuko sa lakas mong dala-dala

Subalit bakit kinailangan
Magdala ng dagsang tubig
Sa lupang tuyo at nananahimik

Kumpara saiyo kami'y mahina, Oo
Pero hindi kagaya mo kami'y may puso
Kaya kami ngayo'y nagdadalamhati

Sapagkat iyong tinangay
Mga taong sa amin ay mahalaga
Ngayon sila'y wala na sabay ng iyong pag-alis

Parang bula

Popular posts from this blog

How to Become A Thiller Writer

A Review of Joshua Mehigan's Essay - " I Thought You Were a Poet"

A cheesy love poem