Ganito Pala ang Kilig
he he... akala ko'y isa ka lamang kathang isip na binuo ng mga makatang sinauna o ng mga taong mabababaw. kung ganun, mababaw rin pala ako. he he.. di ko naisip na maari ring ako'y maging biktima akala ko, ang meron ako'y pusong bato na kahit si brad pitt ay di makakayang tiktikin ni mapapipintig ng mga ngiting piolo. he he... sabi nila bading daw si piolo kahit na, gwapo pa rin siya saka natalo naman ang mga titik ni lolit solis kaya pwede pa ringpagpantasyahan ang ngiting piolo, pero ni minsan di ko naisip yun. he he... akala ko hanggang edad kim chiu lang ang pwedeng tamaan, ang pwedeng lumundag-lundag ang puso na para bang sasabog, pero di naman na para bang mabigat pero di naman. he he... ganito pala yun, mahirap ipaliwanag pero masaya, kahit walang nakakatawa ngingiti-ngiti kahit walang kausap parang baliw pero hinde naman parang nanlalambot pero di naman. he he... ang gulo, pero masaya sana tumagal, sana nakatokan na nga ang puso ko na dati di natitinag, independie...