Makabagong CallGirl

Pag-sikat ng araw
Bangon sa upuan
Isara ang kompyuter
Magpunas ng pulbos
Sa mukhang namumutla
Para itago ang eyebags
Sa ilalim ng mata
Magkuskos ng lip gloss
Sa mga labing nanunuyo
Kulang sa hamog
Inagaw ng aircon

Pagtirik ng araw
Ilabas ang shades na madidilim
Itago ang mga matang
Sa liwanag ay silaw
Parang bampirang
Matutunaw sa araw
Parang aswang
Sa gabi naghahanapbuhay
Parang engkanto
Lulubog lilitaw
Di mahagilap tuwing may araw

Paglubog ng liwanag
Pagtirik ng buwan
Babangon, maliligo, gagayak
Magtatapang-tapangan
At lalakad sa madilim na kalye
Upang mag-abang
Ng tricycle, pedicab, jeep o taxi
Kapag sinuwerte
Makakarating ng maaga't mag-aalmusal
Kapag minalas luhaang uuwi ng bahay
Pagka't pera, celfon at bag
Ay naholdap at nalimas

Popular posts from this blog

How to Become A Thiller Writer

A Review of Joshua Mehigan's Essay - " I Thought You Were a Poet"

A cheesy love poem